PAF, naghatid ng relief goods sa mga apektado ng baha sa Maguindanao

Rumesponde ang Philippine Air Force (PAF) sa panawagang tulong para sa mga nasalanta ng matinding pagbaha sa Maguindanao.

Sakay ng C-130 aircraft mula Villamor Air Base, inilipad ng Philippine Air Force ang 2,500 relief packs na naglalaman ng bigas at iba pang pagkain patungong Cotabato para ipamahagi sa mga apektadong komunidad.

Ang nasabing mga relief good ay mula sa isang pribadong sektor bilang tugon sa kahilingan ng Office of Civil Defense (OCD) kung saan bahagi rin ito ng patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor sa panahon ng kalamidad.

Dito napatunayan ng PAF na sa gitna ng sakuna ay may hatid silang malasakit at mabilis na aksyon para sa kapakanan ng bawat Pilipino.

Samantala, nanguna sa distribusyon ng mga ayuda sa mga apektadong residente ay si OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno.

Facebook Comments