Impeachment case laban kay VP Sara, hindi totoong dahilan kaya hindi nanalo ang ibang kandidato ng alyansa

Mariing kinontra ni House Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jayjay” Suarez ang mga paniniwala na kaya natalo ang ibang kandidato ng alyansa ay dahil sa impeachment.

Diin ni Suarez, walang backlash sa mga kandidato ng administrasyon ang pagpapa-impeach kay VP Sara at patunay nito ang pagkapanalo sa halalan ng 86% ng mga kongresista na lumagda sa impeachment complaint.

Bukod dito ay mariin ding itinanggi ni Suarez ang pahayag ni alyansa campaign manager Rep. Toby Tiangco na mayroong kapalit ang pagpirma ng mga mayorya ng mga kongresista sa impeachment complaint laban kay VP Duterte.

Facebook Comments