Ipinasisilip na ng Department of Justice (DOJ) sa National Bureau of Investigation (NBI) ang napaulat na pagdukot sa dalawang human rights activist at development workers sa Cebu City kamakailan.
Nauna nang nai-report ang umano’y abduction kina Dyan Gumanao at Armand Dayoha ng ilang mga kalalakihan na ‘di umano’y mga pulis at ang video na ito ay kumalat na rin sa social media.
Ayon kay DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla, basta’t may mga notice o impormasyon ay pakikilusin na ang NBI.
Hindi naman naglabas ng iba pang impormasyon ang kalihim dahil kailangan pa aniya nitong alamin ang detalye para maipalam sa NBI.
Sinabi naman ni DOJ Spokesperson Mico Clavano na tiyak na NBI ang magsisiyasat sa insidente lalo mga pulis ang sinasabing sangkot.
Facebook Comments