Senator Bong Go, kinumpirmang kabilang siya sa sakay ng private plane na nabalahaw kaninang umaga sa NAIA runway

Kinumpirma ni Sen. Bong Go na kabilang siya sa lulan ng private plane na nabalahaw kaninang umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) runway.

Ayon kay Go, kasama niya sa naturang eroplano ang kaniyang team para sana mamahagi sa mga sinalanta ng baha sa Northern Samar.

Gayunman, nagkaroon aniya ng mechanical issue ang makina ng eroplano kaya hindi na itinuloy ang kanilang flight.


Bago mag-alas-11:00 kaninang umaga nang tuluyan maialis sa runway ang eroplano ng King Air.

Wala namang ibang flights na naapektuhan sa nasabing insidente.

Facebook Comments