10 tripulante ng lumubog na cargo vessel sa Indanan, Sulu, ligtas na – PCG

Nakaligtas ang sampung tripulante matapos lumubog ang sinasakyan motor vessels sa Tanjung Pier sa Indanan Sulu.

Nirespondehan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Western Sulu ang MV Melyn Express.

Ayon sa kapitan ng barko na si Muntasir Karanain, patungo sana sila sa Jolo, Sulu, galing ng Malaysia kasama ang sampung crew nito nang mangyari ang aksidente.


Habang papalapit sa pier para magmaniobra, aksidenteng sumadsad ang barko sa mababaw na bahagi ng dagat at napinsala ito kung kaya’t pumasok ang tubig sa main engine.

Sa ngayon, nasa maayos na kondisyon na ang mga apektadong crew.

Nagsagawa rin ng oil spill assessment ang PCG marine environmental protection unit at negatibo ang resulta.

Facebook Comments