
Arestado ng Philippine National Police (PNP) ang 13 indibidwal sa isinagawang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO)-related operation sa Iligan City.
Ang operasyon ay isinagawa sa bisa ng Warrant to Search, Seize, and Examine Computer Data na inisyu ng Korte ng nasabing lugar.
Ang mga naaresto ay ang dalawang studio managers at 11 mga babae na online demonstration dealers sa nasabing POGO hub.
Narekober ng mga otoridad ang ilang mga computer processing units, monitors, cameras, recording devices, tablets, card scanners, gaming tables, card decks, lighting equipment, at iba pang mga kagamitan mula sa apat na room sa nasabing establisyamento.
Sa ngayon ang mga naarestong indibidwal ay nasa kustodiya ng pulisya at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 12312, o ang Anti-POGO Act of 2025.
Samantala, at-large naman o pinaghahanap na ng pulisya ang may-ari ng nasabing establisyamento.










