Saturday, October 31, 2026

Impeachment trial ni VP Sara, malayo pa sa finish line—Malacañang

Malayo pa sa finish line ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang nilinaw ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro kasunod ng paglabas ng ilang pangalan na posibleng humalili sa bise presidente sakaling mapatalsik ito ng impeachment court.

Ayon kay Castro, hindi pa ito napag-uusapan sa Malacañang bilang paggalang sa Office of the Vice President.

Binigyang-diin niya na kailangan munang mabigyan ng pagkakataon si Duterte na humarap sa impeachment court at sagutin ang mga paratang laban sa kanya.

Sa ngayon, sinabi ni Castro na mas nararapat na hintayin muna ang magiging takbo at desisyon ng impeachment proceedings bago talakayin ang usapin ng posibleng kapalit ng bise presidente.

Facebook Comments