Friday, October 30, 2026

Inaugural session ng BARMM Parliament, pinangunahan ni Pangulong Marcos

COURTESY: Presidential Communications Office

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang inaugural session ng BARMM Parliament na ginanap sa Bangsamoro Government Center sa Cotabato City.

Ito ang unang sesyon kasunod ng idinaos na unang BARMM parliamentary elections noong nakaraang buwan na naghalal sa 80 miyembro ng parliament.

Nahalal naman bilang bagong Chief Minister ng BARMM si Abdulraof Macacua matapos makakuha ng 51 boto laban sa 27 ni Ahod Ebrahim ng United Bangsamoro Justice Party.

Habang magsisilbing bagong Speaker ng Bangsamoro Parliament si Ameer Rakim ng BARMM Grand Coalition.

Dahil dito, pamumunuan niya ang Parliament at pangangasiwaan ang pagtalakay sa mga isinusulong na panukalang batas.

Sinabi naman ni Pangulong Marcos Jr., sa kaniyang talumpati na masaya siyang makita na mayroon nang mayoriya sa parliament.

Sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law, pipiliin ang Chief Minister sa pamamagitan ng majority vote o 41 pataas mula sa 80 miyembro.

Jairus Peñaflorida, RMN Manila

Facebook Comments