Umano’y torture sa mga suspek sa Degamo slay case dapat patunayan – PNP

Hinahamon ni Philippine National Police Public Information Office (PNP-PIO) Chief Brig. Gen. Red Maranan ang isa sa mga suspek sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo na patunayan ang kanyang alegasyon laban sa mga pulis.

Ito ay makaraang sabihin ni Jhudiel Rivero (a.k.a. Osmundo Rivero), 1 sa 10 mga dating sundalo na dawit sa pagpatay kay Degamo na tinorture umano siya ng mga pulis na umaresto sa kanya para aminin ang kanyang partisipasyon sa krimen at ituro si Congressman Arnulfo Teves bilang mastermind.

Ani Maranan, kailangan magpresenta si Rivero ng kanyang mga ebidensya at hindi puro akusasyon lamang.


Kasunod nito, muling iginiit ng opisyal na kanilang iginagalang ang karapatang pantao sa pag-iimbestiga ng kaso.

Aniya, mayruong batas laban sa torture o RA 9745 o Anti-Torture Act of 2009 kung saan alam ng mga pulis ang mga kaakibat na kaparusahan kapag ito ay kanilang nilabag

Naniniwala rin aniya ang PNP na papairalin ng korte ang rule of law at magiging transparent at unbiased sa pagsusuri ng mga ebidensyang ilalatag sa hukuman.

Facebook Comments