Manila, Philippines – Nais paimbestigahan ng Department of Justice (DOJ) ang umano’y VIP treatment sa tinaguriang ‘pork barrel queen’ na si Janet Napoles nang ito ay sumuko noong taong 2013.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre – kaduda-duda ang naging pagsuko ni Napoles noong Agosto ng 2013 kung saan dumiretso ito sa Malacañang at sinamahan pa umano nina dating Pangulong Benigno Aquino III at dating Interior Secretary Mar Roxas papunta sa Philippine National Police headquarters sa Camp Crame.
Bukod dito, kinuwestiyon rin ni Aguirre kung bakit sina dating Senator Juan Ponce Enrile, Ramon Revilla Jr. at Jinggoy Estrada lang ang kinasuhan ng Sandiganbayan at ikinulong gayong maraming mga mambabatas aniya ang nasa listahan ni Napoles na isinumite naman kay Senator Leila De Lima nang ito’y kalihim pa ng DOJ.
DZXL558