Pangulong Rodrgio Duterte, nagbigay ng marching order kay bagong Environment Secretary Roy Cimatu sa kanyang pagsabak sa trabaho

Manila, Philippines – Nagbigay ng “marching order” si Pangulong Rodrgio Duterte kay bagong Environment Secretary Roy Cimatu sa kanyang pagsabak sa trabaho.

Ayon kay Duterte, dapat na maging totoo si Cimatu hindi lamang sa sarili kundi pati sa bayan.

Giit pa ng Pangulo, mahigpit ang kanyang bilin sa bagong kalihim ng ahensya na pangalagaan ang kalikasan at kapakanan ng taumbayan.


Pinaalalahanan din ng Punong Ehekutibo si Cimatu na ipatupad ng maayos ang batas ng pagmimina sa bansa.

Gayunman, aminado rin si Duterte na hindi pa niya napagdedesisyunan kung itatalaga pa niya sa Gabinete si dating Environment Secretary Gina Lopez matapos ang rejection nito sa Commission on Appointments.

DZXL558

Facebook Comments