
Mariing itinanggi ni House Committee on Justice Chairperson at Batangas Representative Gerville Luistro na may kapalit na alokasyon o pondo ang pagpabor nila sa impeachment kay Vice President Sara Duterte.
Reaksyon ito ni Luistro sa sinabi ni Navotas City Representative Toby Tiangco na dapat bantayan ang “for later release” projects dahil maaaring gamitin ito para hikayatin ang mga kongresista na bomoto pabor sa impeachment kay Duterte.
Ayon kay Luistro, wala syang nalalaman na may kapalit ang magiging paghusga o desisyon nila sa impeachment complaints laban kay VP Sara.
Dagdag pa Luistro, wala rin kahit anong pagtatangka mula sa liderato ng Kamara para sya impluwensyahan bilang pinuno ng House Justice Panel.
Muli binigyang diin ni Luistro na anumang hakbang nila kaugnay sa impeachment proceedings ay bahagi ng pagtupad nila sa kanilang mandato na iniaatas ng konstitusyon.
Sa March 25 ay magsisimula na ang impechment hearings ng komite para matukoy kung may probable cause ang impeachment complaints at dapat iakyat sa Senate impeachment court.










