UMAPELA | MAKABAYAN bloc, muling humirit na maging bahagi ng quo warranto proceedings laban kay Sereno

Manila, Philippines – Humirit ng Motion for Reconsideration ang MAKABAYAN bloc ng Kamara de Representantes para maging intervenor sa quo warranto proceedings laban kay Chief Justice on-leave Maria Lourdes Sereno.

Ang apela ng opposition congressmen ay makaraang ibasura ng hukuman ang kanilang Motion to Intervene at Opposition-In-Intervention sa Sereno Quo Warranto Case.

Kabilang sa mga humihirit maging intervenor ay sina Bayan Muna Party List Representative Carlos Isagani Zarate; ACT Teachers Party List Representatives Antonio Tinio at Francisca Castro; Gabriela Representative Emmy de Jesus at Arlene Brosas; Anakpawis Partylist Representative Ariel Casilao at Kabataan Party List Representative Sarah Jane Elago.


Sumama rin sa paghahain ng mosyon sina Dating Senador Rene Saguisag at Bishop Broderick Pabillo.

Naniniwa rin ang mga nais na maging intervenor na ang pagsusulong ng quo warranto petition ay maituturing na forum shopping dahil ilan sa mga batayan sa kaso ay ginamit ding basehan sa impeachment complaint laban sa Punong Mahistrado.

Nababahala rin anila sila na sa oras na paburan ng Korte Suprema ang quo warranto petition, magiging moot and academic na ang impeachment process sa Kongreso.

Si Cambay ang mamununo sa 610 personnel ng Police Regional Office 6 (PRO6) na idedeploy sa Boracay buong panahon ng rehabilitasyon.

Facebook Comments