Manila, Philippines – Nanawagan ang Malacañang sa mga oil companies na ubusin muna ang mga langis na nakuha nila sa murang halaga at ibenta rin ng mura sa mga motorista.
Ito ang apela ni Presidential Spokesperson Harry Roque kasabay na rin ng tuloy-tuloy na pagsipa ng presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Roque, kung hindi talaga mapipigilan ang oil price hike gawin naman sanang patas ng mga kumpaniya ng langis ang bentahan at huwag munang patawan ng mahal na presyo ang mga luma nilang supply.
Bagaman walang magagawa ang gobyerno sa presyuhan sa world market sana aniya ay makatulong ang mga oil companies sa publiko sa pamamagitan ng pagbebenta ng murang halaga.
Facebook Comments