UMAPELA | Simbahang Katolika, nanawagan ng panalangin at pag-aayuno simula sa darating na linggo hanggang sa Feast of the Visitation

Manila, Philippines – Umapela si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga mananampalatayang Katoliko na humiling ng 12 araw na panalangin at pag-aayuno simula sa darating na linggo Mayo 20 hanggang katapusan ng Mayo Feast of Visitation.

Ayon kay Cardinal Tagle dapat patunugin ang kampana tuwing alas 3 ng hapon upang gunitain ang kamatayan ng ating Panginoong Hesukristo at hilingin ang biyaya ng Espiritu Santo, manalangin sa chaplet ng Divine Mercy, mag-ayuna at kawanggawa at alalahanin ang selebrasyon ng kapistahan ng katutuhanan at pag-ibig kabilang ang programa para sa kabutihan ng nakararami.

Sa kanyang kahilingan nais ni Cardenal Tagle na humingi ang tayo ng patawad sa mga nagawang kasalanan laban sa katutuhanan at buksan ang ating sarili upang bigyang daan ang espiritu ng katotohanan na siyang magpapalaya sa sambayanang Pilipino.


Paliwanag ng Cardinal na sa pamamagitan ng pag-aayuno o fasting ay mapagtutuunan natin ang ating sarili at kumonidad tungo sa tunay na adhikain ng buhay na ipalaganap ang pagmamahalan at katotohanan.

Umapela rin si Cardinal Tagle na iwasan ang pagkawatak-watak ng bansa kabilang ang usapin ng pagpapatalsik kay dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, planong baguhin ang saligang batas at pagpapalaganap ng mga fake news o mga maling balita.

Facebook Comments