Manila, Philippines – Nagpatupad ng pagbalasa sa mga pangunahing posisyon at District Commanders sa Philippine Coast Guard (PCG) sa buong bansa.
Ayon kay PCG Commandant Admiral Elson Hermogino, ang pagbalasa sa mga opisyal ng PCG ay bahagi ng tinatawag na Professional Advancement at ang iba naman ay bilang tugon sa ibinabang suspension order ng tanggapan ng Deputy Ombudsman laban sa ilang mga opisyal.
Kaugnay nito ay agad na nagsagawa ng simpleng seremonya ang PCG para sa pagsasalin ng kapangyarihan at responsibilidad at kabilang dito si Read Admiral Leopoldo Laroya, ang itinalagang bagong Commander ng Maritime Safety Services Command, na dating pwesto ni Rear Admiral Joel Garcia, na itinalagang Deputy Commandant for Administration.
Habang itinalaga namang Commander ng PCG Surface Support Command si Commodore Joseph Badajos naman bilang Commander , Captain Rolando Punzalan Jr. bilang Commander ng PCG District NCR-Central Luzon habang Deputy Commandant for Operations si Rear Admiral Rolando Legaspi.
Nagkaroon din ng regudon sa 16 na iba pang mga pangunahing pwesto sa PCG, hanggang sa lebel ng district commanders.
Nitong mga nakalipas na araw nagsagawa naman ng tinatawag na Joint Anti-Piracy Training ang Philippine Coast Guard (PCG) sa bahagi ng Davao Oriental kung saan ipagpapatuloy din ng Japan Coast Guard ang mga pagsasanay kasama ang PCG kaugnay ng pagpapalakas ng kakayahan sa Maritime Law Enforcement at pagsusulong ng bukas at ligtas na Indo-Pacific Waters.