Umento sa sahod, hiniling ng mga guro at gov’t employees

Hiniling ng mga guro at kawani ng gobyerno na itaas ang kanilang buwanang sahod at pagbabawal sa kontraktuwalisasyon.

Ayon sa Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE) National President Ferdinand Gaite, dapat itaas sa P16,000 ang minimum na buwanang sahod.

Aniya, nasa P11,000 ang sahod ng nasa salary grade 1 sa first-class cities at municipalities.


Bumababa pa aniya sa hanggang P7,000 kada buwan ang sahod sa fifth at sixth-class municipalities.

Giit naman ni Social Welfare Employees Association of the Philippines National President Manuel Baclagon, tatlong taon na ang administrasyon pero nakakulong pa rin sila sa kahirapan at kawalan ng seguridad sa trabaho.

Facebook Comments