Good news!
Maari nang matanggap ngayong buwan ang dagdag na sahod ng mahigit isang milyong kawani ng gobyerno.
Ito ay mula kay Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa nagtatrabahong janitor o clerk.
Ang umento sa sahod ay ika-apat at huling annual installment sa ilalim ng four-year pay adjustment program na nakapaloob sa Executive Order no. 201 na nilagdaan ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong February 19, 2016.
Tiniyak naman ni Budget Secretary Benjamin Diokno – na mailalabas ang kakailanganing pondo para sa taas-sahod.
Sa ilalim ng E.O. ni dating Pangulong Aquino, ang mga cabinet officials, senador at kongresista ay makatatanggap na increase na ₱72,000 sa kanilang buwanang sahod, mula sa ₱223,590 ay magiging ₱295,191.
Ang sahod ni Pangulong Duterte ay tataas ng ₱102,000, mula sa ₱298,083 ay magiging ₱399,739.
Sa mga pinakamababang pinasasahurang empleyado ng pamahalaan naman ay may ₱1,000 increase, mula sa ₱10,050 ay magiging ₱11,068 hanggang ₱11,732 depende sa kung gaano kahaba nang nagsilbi sa gobyerno ang empleyado.