Umento sa sahod ng mga manggagawa, hindi pa matiyak ng Palasyo

90

Tumanggi si Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na sabihin kung anong regalo ang pwedeng ibigay ng gobyerno sa mga manggagawa kasabay ng Labor Day bukas.

Ayon kay Roque, maiging hintayin na lamang ang magiging anunsyo rito ng gobyerno.

Aniya, sa ilulunsad na job summit bukas ng hapon, may mensaheng ibibigay si Pangulong Rodrigo Duterte.


Una nang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na mabigyan ng limang libong slots para sa bakuna ang mga manggagawa para sa gagawing symbolic vaccination bukas.

Facebook Comments