Umento sa sahod para sa Filipino nurses, suportado ng POEA

Suportado ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang umento sa sahod ng mga Pilipinong nurses.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni POEA Administrator Bernard Olalia, importanteng nireresolba ang isyu ng mababang sahod na natatanggap ng mga nurse sa bansa.

Pabor din si Olalia sa mga mungkahing doblehin ang sahod ng mga nurses.


Pero aminado si Olalia na bahagyang mataas ang sahod na natatanggap ng mga Pinoy nurses na nagtatrabaho abroad.

May ibang bansa na nakakatanggap ang mga nurse na higit ₱100,000 kada buwan bilang starting salary.

Bukod dito, sinabi rin ni Olalia na mataas ang demand ng Filipino nurses sa ibang bansa at numero unong choice ng mga employers abroad.

Ang mga nangungunang destinasyon ng mga Pinoy nurses ay Saudi Arabia, Qatar, Kuwait at United Arab Emirates.

Facebook Comments