Umiinit ang Laban ng Batang Pinoy 2018!

Baguio, Philippines – Inilabas na ng Philippine Sports Commission ang pinakahuling medal tally ng Batang Pinoy 2018 na kasalukuyang ginaganap ngayon sa Baguio City. 

Base sa huling datos ng PSC ay nangunguna ang Baguio City kung saan ay mayroon itong 56 medals, pumapangalawa naman ang Quezon City na may 21 na medals at nasa ikatlong pwesto naman ang Laguna Province na mayroong 18 medals.

Inaasahang mababago pa ang standing ngayong araw dahil on-going pa rin ang iba’t ibang laro sa Batang Pinoy. Tinatayang aabot sa pitong libong kabataan ang lumahok sa naturang palaro.


iDOL, tara manood tayo sa Athletic Bowl at Melvin Jones ng mga laro!

Facebook Comments