Inurong ng pamunuan ng ng Cagayan State University ang umpisa klase sa lahat ng campus nito para sa school year 2022-2023 sa Setyembre 5, 2022.
Ito ay kaugnay ng bagyong Florita na nanalasa sa lalawigan ng Cagayan nitong mga nakaraang araw.
Sinabi ni President Urdujah Alvarado na ito ay upang bigyan ng sapat oras ang mga estudyante na maka rekober sa katatapos lang na kalamidad at makapaghanda sa pasukan.
“Although we cannot wait to usher in another hopeful and productive Academic year, we hope that these few days will give you the chance to plant your feet firmly as you prepare for the start of the academic year”, tinuran ni President Alvarado sa kanyang opisyal na social media page.
Ang orihinal na umpisa ng klase ay nakatakda sana sa Agosto 30, 2022.
Facebook Comments