UN official, walang balak imbestigahan ang umano’y extrajudicial killings sa bansa

Manila, Philippines – Nanindigan si United Nations special rapporteur Agnes Callamard na wala siyang balak mag-imbestiga o mangalap ng anumang ebidensya hinggil sa umano’y extra judicial killings sa bansa.

Ayon kay Callamard – personal siyang nagpunta sa bansa dahil naimbitahan siyang maging keynote speaker sa policy forum on drug issues na ginanap sa University of the Philippines-Diliman sa Quezon City.

Iginiit din nito na hindi epektibo ang war on drugs batay na rin sa ilang pag-aaral.


Dagdag pa ni Callamard – kapag hindi itinigil ang giyera kontra droga magbubunga lamang ito ng problema gaya ng extra judicial killings at vigilante crimes.

Tiniyak ng US official na patuloy niyang babantayan ang mga nangyayari sa Pilipinas.

DZXL558

Facebook Comments