Department of Agriculture at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, nagsagawa na ng expedition sa Benham Rise

90

Manila, Philippines – Nagsagawa ng expedition ang mga opisyal at tauhan ng Dept. of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Benham rise.

Dito ipinamahagi ng DA at BFAR ang mga gamit sa mahigit 200 mahihirap na mangingisda sa Quezon at Baler, Aurora.

Kasama na rito ang motorized fiber glass boats, life vests, solar lanterns at tuna handlines.

Ayon kay Agriculture Sec. Manny Piñol – gusto nilang makatiyak na ang mga mangingisdang Pilipino ang makikinabang sa aquatic resources ng Benham Rise.

Sa ngayon aniya ay pinag-iikot nila ang BFAR para tutukan ang illegal fishing activities sa bawat bayan.

Ang Benham Rise ay bahagi ng continental shelf ng Pilipinas.

DZXL558

Facebook Comments