Magsasagawa ng humanitarian mission ang United Nations (UN) sa Pilipinas para tulungan ang mga komunidad na sinalanta ng Bagyong Rolly.
Ayon kay UN Resident and Humanitarian Coordinator Gustavo Gonzales, ang UN at local humanitarian partners nito ay sinimulan nang makipagtulungan sa mga local government agencies para magbigay ng relief assistance sa mga lugar na na matinding tinamaan ng bagyo.
Hindi na nila hinintay ang pag-landfall ng bagyo para paganahin ang kanilang humanitarian teams.
Ang UN agencies at ilang Non-Government Organization (NGOs) ay nakipagtutulungan sa ilang tanggapan ng gobyerno, Philippine Red Cross at pribadong sektor para maipaabot agad ang tulong sa mga nangangailangan.
Ang International Organization for Migration ay susuportahan ang mga local authorities sa pangangasiwa ng evacuation centers.
Ang Office for the Coordination of Humanitarian Affairs (OCHA) ay naghahanap ng humanitarian at development partners.
Ang World Food Programme ay aalalay sa food distribution sa calamity areas.
Nanawagan ang UN sa lahat na sundin ang awtoridad para na rin sa kanilang kaligtasan.