Cauayan City- Aarangkada muli ang Una Ka Dito Caravan sa pitong Barangay sa East Tabacal Region SA darating na ika-3 ng Oktubre sa Brgy. Carabatan Grande, Cauayan City, Isabela.
Kabilang sa mga residenteng makakatanggap ng libreng serbisyo mula sa LGU Cauayan ay ang mga residente mula sa Carabatan Chica, Carabatan Bacareño, Carabatan Punta, Catalina, Mabantad, Nagcampegan, at Carabatan Grande.
Ilan sa mga serbisyong ihahatid ng LGU Cauayan ay libreng gamot, medical and dental check-up, Social welfare assistance, Libreng legal services, Libreng estimation of property value, Scholarship assistance, City IDs assistance at marami pang iba.
Upang mabigyan ng mga serbisyo kinakailangan lamang na magdala ng mga kaukulang ID at dokumento katulad ng cedula, barangay clearance at iba pa.