Inanunsyo na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang unang apat na opisyal na pelikula na kabilang sa patimpalak ngayong taon.
Kabilang sa apat na napiling official entries ng MMFF ay ang mga sumusunod na pelikulang Pilipino:
Labyu With An Accent nina Coco Martin at Jodi Sta. Maria sa direksyon ni Rodel Nacianceno
Nanahimik Ang Gabi nina Ian Veneracion, Mon Confiado at Heaven Peralejo sa direksyon ni Shugo Praico
Partners in Crime nina Vice Ganda at Ivana Alawi sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina
The Teacher nina Joey De Leon at Toni Gonzaga sa direksyon ni Paul Soriano
Sa temang “Balik-taya”, ang 48th edition ng MMFF ay muling bubuhayin sa pamamagitan ng masasaya at masisiglang pelikula na dumaan sa mapanuring pagpili ng selection committee.
Kabilang sa mga criteria ay ang mga sumusunod:
Artistic excellence (40%)
Commercial appeal (40%)
Filipino cultural sensibility (10%)
Global appeal (10%)
Samantala, inanunsyo rin ng pamunuan ng MMFF na ang deadline sa pagsusumite ng mga pelikula ay mula sa September 2 para sa early submission at hanggang September 30 para naman sa regular submission.