Unang araw na ipinatutupad na seguridad para sa ASEAN Summit, perfect?

Manila, Philippines – Walang naging problema ang unang araw ng isinasagawang 31st ASEAN Summit sa bansa.

Ito ang naging pagtaya ng ASEAN Security Task force.

Ayon kay Police Chief Supt. Noel Baracerros ang operation officer ng ASEAN Security Task Force walang naging problema sa pagdating sa bansa ng mga heads of state kahapon at nitong mga nakalipas na araw maliban na lamang aniya sa mga nakanselang flight.


Maayos din daw na nakabalik sa kanilang mga tinutuluyang hotel ang ilang leaders matapos tumungo ang mga ito kahapon sa International Rice Research Institute sa Laguna.

Sinabi pa ni Barocerros na kung iri-rate sila 1 hanggang 10 ay 10 daw ang makukuha nilang grado matapos ang maayos na pagdating ng mag heads of state sa bansa at pagsisimula ng summit kaninang umaga.

Sa ngayon patuloy ang ginagawang monitoring ng ASEAN Security Task force sa pamamagitan ng kanilag Multi Agency Coordinating center ( MACC) sa lahat ng lugar na ginagawa ang pangdaigdigang aktibidad.

Facebook Comments