
Generally peaceful ang unang araw ng pangangampanya sa pagkasenador at party-list group.
Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Jean Fajardo kung saan walang naitalang anumang untoward incident sa buong bansa habang isinasagawa ang kaliwa’t kanang campaign sorties ng mga kadidato.
Kasunod nito, patuloy ang deployment at pag-maximize ng pulisya sa kanilang mga tauhan sa pagbabantay sa mga lugar na pagdarausan ng pangangampanya.
Kasama na rito ang patuloy na pagpapatupad ng mahigpit na pagsunod sa mga batas na may kaugnayan sa halalan partikular ang gun ban.
Kasunod nito, hinimok ng Pambansang Pulisya ang mga kandidato at mga taga-suporta nito na panatilihin ang kapayapaan, kaayusan at pagsunod sa batas ngayong campaign period.









