
CAUAYAN CITY – Napasakamay na ng kapulisan ng Isabela ang isang security guard na kabilang sa Most Wanted Person sa buong Lambak ng Cagayan.
Naaresto ang suspek na kinilalang si alyas “Tom” sa Brgy. Binguang, San Pablo, Isabela dahil sa bisa ng mandamiento de arresto dahil sa kasong Qualified Rape na may petsang ika-tatlumpu (30) ng Enero taong kasalukuyan.
Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.
Matapos maaresto ay dinala si alyas “Tom” sa himpilan nn pulisya para sa dokumentasyon bago pasakamay sa korteng pinagmulan.
Samantala, pinangunahan ng Sta. Maria Police Station ang pagkakadakip sa suspek katuwang ang Provincial Intelligence Unit-Isabela Provincial Police Office (PIU-IPPO), at Provincial Investigation and Detective Management Unit-Isabela Provincial Police Office (PIDMU-IPPO).