Sa araw ng mga puso, ito rin ang unang araw sa pagpaptupad ng total crackdown ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA laban sa mga iligal na mga habal-habal sa Metro Manila.
Sinuyod ng mga tauhan ng MMDA Jennies St. Baranagay Rosario, Pasig City hanggang Ortigas extension kanto ng C5 kung saan may kabuuang 14 na mga driver ng habal-habal ang nahuli.
Kinumpiska ng mga tauhan ng MMDA ang mga lisensya ng mga driver at tinikitan ang mga ito.
Sumama sa nasabing operasyon si MMDA Undersecretary Celine Pialago.
Aniya, alam na nila kung saan nakapwesto itong mga habal-habal drivers.
Karamihan aniya ay nasa tabi ito ng mga existing terminals, UV Express location at waiting area.
Yung iba aniya ay nasa katabi ng malalaking establishments gaya ng mga mall.
Tumatap din aniya ito sa mga secondary road.
Giit ni Pialago, hindi nila ito nilalagyan ng mga tao para bantayan upang anya mapigilan ang sabwatan at masangkot ang kanilang mga tao sa iligal na gawain.
Muli siyang nagbigay ng babala sa mga riding publiko na huwag nang tangkilikin ang mga iligal na habal-habal, kasabay ng paghikayat sa publiko na gumamit ng tatlong major motorcyle ride-hailing app na aprubado ng kanilang ahensya.
Karamihan ng mga nahuli ay lumabag sa iligal parking at kolorum.