Iligan City, Philippines – Walang problema at maayos ang pagsisimula ng klase sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Iligan.
Ito ang pahayag ni DepEd Schools Division Superintendent Randolph Tortola matapos personal niyang inikot ang halos lahat ng mga paaralan sa lungsod para makita ang sitwasyon at ang lagay ng bawat mga mag-aaral.
Ikinatuwa naman ni Tortola ang naging resulta sa unang araw ng pagbukas ng klase sapagkat halos 90 porsyento sa mga estudyante ay pumasok sa kanilang klase kahit pa may pagamba ang iba nilang mga magulang dahil sa takot sa kagulohang nagpapatuloy na nangyari sa lungsod ng Marawi ngayon.
Kumpyansa naman si Tortola sa ipinakitang suporta ng mga otoridad sapagkat visible naman ang kanilang mga tauhan sa pagbabantay ng mga paaralan lalong-lalo na sa mga kabataan.
DZXL558, Ghiner Cabanday