DTI Secretary Lopez, personal na nag-ikot sa palengke ng Iligan para alamin kung naipatupad ba ang price freeze sa lungsod

Iligan City, Philippines – Personal na inikot kahapon ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez ang mga palengke at grocery sa lungsod ng Iligan.

Ito’y para malaman niya kung natutupad o pinapatupad ba talaga ng mga negosyante sa lungsod ang price freeze kung saan apektado ang syudad sa kagulohan na nangyayari sa Marawi City.

Ayon kay Lopez sa isinasagawang press briefing kahapon na stable naman ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga merkado at groceries sa Iligan.


May iilang centavos lang umano na bahagyang itinaas kayat minarapat nila ito pinabago sa orihinal na presyo ng nasabing produkto.

Kahit mga warehouse ay inilam din ni Lopez para masiguro ang sapat na supply ng mga kunsumante sa lungsod ng Iligan at Lanao Del Norte.

DZXL558, Ghiner Cabanday

Facebook Comments