Unang araw ng paglalagay sa GCQ sa NCR at MGCQ sa ibang lugar sa bansa, naging maayos at payapa ayon sa PNP

Mapayapa at maayos ang unang araw ng paglalagay sa General Community Quarantine (GCQ) ng National Capital Region at paglalagay sa Modified GCQ sa iba pang mga lugar sa bansa.

Ito ang assessment ng Philippine National Police (PNP) matapos na magbalik-operasyon na ang mga awtorisadong negosyante matapos ang 75 araw na lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, walang nakuhang report ang PNP Command Center mula sa mga Police Regional Offices na may naitalang major untoward incidents ngayong buong araw ng June 1.


Maliban na lamang sa mga report na maraming pasahero ang na-stranded dahil sa kakulangan ng public transportation.

Tiniyak naman ni Gamboa na patuloy na nakahanda ang PNP para magbigay ng mas mahigpit pang seguridad lalo na sa mga workers na balik-trabaho na simula ngayong araw.

Pinaalalahan din ni Gamboa ang publiko na mayroon pa ring checkpoints, curfew, travel restrictions, mahigpit na pagpapatupad ng physical distancing at  minimum health standards sa lahat ng GCQ at MGCQ areas para makaiwas sa COVID-19.

Facebook Comments