Naging maayos at maaliwalas angunang araw ng pasukan sa lungsod ng Cauayan, Lalawigan ng Isabela.
Ito ay matapos na walang naiulatna di kanais nais buhat sa mga pampublikong eskuwelahan na sakop ng School’sDivision Office Cauayan City sa pangunguna ni Dr Gilbert Narag Tong.
Magugunita na sa naunag ulat ng DepedCauayan City Isabela sa kanilang Rehiyonal at Pambansang tanggapan noong nakalipasna lingo ay walang nakitang problema sa limang araw na Oplan Balik Eskuwela noongMayo 29 hanggang Hunyo 2, 2017.
Ngayong araw ay mahigit 29, 000na estudyante ang pumasok sa elementarya at sekondarya sa lungsod ng Cauayan nakung saaan ay mahigit 18, 000 dito ay mga mag aaral ng kindergarten atelementarya samantalang mahigit 11, 000 ang mga high school kabilang ang kaunaunahang batch ng grade 12.
Magpagayunpaman kagaya ngmaraming eskuwelahan sa bansa, ay nahaharap din ang lungsod ng Cauayan sakakulangan ng mga guro lalo pa at ngayong taon ang unang taon ng grade 12 sailalim ng K-12 program.
Sa ngayon ay di pa matukoy kungilan ang nakapagpalista na mga estudyante ng mga pribadong paaralan dahil sabuwan pa ng Oktubre magsusumite ang mga ito dahil sa Agosto pa ang simula ngkanilang pasukan.