Unang Balita sa Unang Radyo Anchors ng DZXL 558 RMN Manila, tatanggap ng parangal mula sa VACC ngayong araw

Manila, Philippines – Tatanggap ng parangal mula sa Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang anchors ng Unang Balita sa Unang Radyo (UBUR) ng DZXL 558 RMN Manila.

Kinilala ng VACC sina kasamang Lourdes Escaros at Ajay Delos Reyes dahil sa natatangi nilang kontribusyon sa paglaban sa korapsyon at krimen sa bansa.

Ang parangal ay ibibigay sa Malakanyang ngayong araw kasabay ng ika – 19th anniversary ng VACC.


Ang programang UBUR ay mapapakinggan tuwing alas-4:00 hanggang alas-6:00 ng umaga mula Lunes hanggang Biyernes sa DZXL 558 RMN Manila.

Facebook Comments