Unang kaso ng UK variant case, mahigpit na inaalagaan ng QC health office sa isang health facility

Mahigpit nang inaalagaan ang pagmo-monitor ng lokal na pamahalaan ng Quezon sa kalagayan ng isang residente na nagpositibo sa tinatawag na COVID-19 United Kingdom variant.

Ang pasyente na isinailalim sa test noong January 7 pagdating mula sa Dubai ay nasa isolation facility na at sumasailalim sa medical treatment.

Ayon sa ulat, umalis ng Pilipinas ang lalaking pasyente noong December 27 para sa isang business trip sa Dubai kasama ang isang babae.


Parehong negatibo sa testing ang dalawa ng umalis sa bansa gayundin pagdating sa Dubai.

Maliban sa lalaking nagpositibo sa bagong COVID variant, nanatiling negatibo naman ang kasamahang babae.

Nagsagawa na ng contact tracing ang City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) sa mga close contact nito kabilang ang mga health workers na nagasikaso pati ilang miyembro ng Barangay Health Emergency Response Team na nagdala sa kanya mula sa hotel hanggang sa isolation facility.

Bilang karagdagang precautionary measure, dinala na rin sa isolation facility ang immediate household contacts ng pasyente at isinailalim sa COVID testing.

Mas hinigpitan na rin ng CESU ang surveillance sa komunidad upang madetermina ang presensiya ng clustered cases.

Facebook Comments