Unang mga tren na gagamitin sa itinatayong PNR Phase 1 Project patungo ng Malolos, Bulacan isinasailalim na sa pagsusuri

Tuloy-tuloy na ang konstruksyon ng pinakamalalaking north-south commuter railway project ng gobyerno.

Isinasailalim na sa serye ng Factory Acceptance Testing o FAT ang mga trainset na gagamitin sa PNR Clark Phase 1 o ang train system na magmumula sa Tutuban sa lungsod ng Maynila patungong Malolos sa lalawigan ng Bulacan.

Ayon kay Transportation Secretary Art Tugade, nasa pagsusuri na ng mga Japanese expert sa Japan Transport Engineering Company sa Yokohama, ang mga biniling tren.


Gawa ito ng Japan Transport Company Sumitomo Corporation at nakatakdang dumating sa Malanday depot sa lungsod ng Valenzuela sa unang linggo ng Disyembre.

Nasa 300,000 mga pasahero ang target na maseserbisyuhan ng PNR Clark Phase 1 Project araw-araw at 35 minuto na lamang ang biyahe mula Tutuban, Maynila hanggang Malolos, Bulacan mula sa halos 2-oras na biyahe.

Ang second phase ng PNR Clark Phase 1 Project ay hanggang Clark Airport sa lalawigan ng Pampanga.

Facebook Comments