Unang OFW hospital sa bansa, bubuksan sa Mayo

Bubuksan na sa susunod na buwan ang kauna-unahang Overseas Filipino Workers (OFW) Hospital sa San Fernando, Pampanga.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Information and Publication Service Director Rolly Francia, sa Mayo 1 o araw ng manggagawa pasisinayaan ang OFW Hospital.

Aniya, mangunguna sa inagurasyon nito si Pangulong Rodrigo Duterte na siyang nagsulong ng nasabing ospital para kilalanin ang malaking kontribusyon ng mga OFW.


Paliwanag ni Francia, libreng makakagamit sa nasbaing ospital ang mga OFW maging ang kanilang pamilya.

Facebook Comments