Manila, Philippines – Nakatakda ngayong araw ang pagsasagawa ng unang round ng eleksiyon para sa pagkapangulo sa France.
Nauna nang bumoto ang mga French registered voter na nasa mga karatig na bansa kahapon na siyang isasama sa magiging resulta ng eleksiyon sa Mainland.
Sa ngayon ay may 50,000 pulis na ang naka-deploy sa iba’t ibang lugar sa naturang bansa at nakahanda na ang iba pang sangay pangseguridad para sa nasabing eleksiyon.
Samantala, arestado naman ang isang lalaki matapos nitong tutukan ng kutsilyo ang isang pulis sa Gare Du Nord Train Station sa Paris, France.
Ayon sa spokesman ng SNCF French Railway Company, marami sa mga pasahero ang nag-panic sa istasyon at naantala rin umano ang biyahe ng mga tren dahil sa naturang insidente.
Matatandaang itinaas ang alerto sa bansa matapos ang naganap na pagpatay sa isang pulis ng isang Islamist militant noong huwebes.
Nation