San Miguel Beermen, inilampaso ang Rain or Shine; Blackwater hindi naman umubra sa Star Hotshots

Manila, Philippines – Nanatiling malinis ang rekord ng San Miguel Beermen ngayong season matapos nitong lampasuhin ang Rain or Shine sa iskor na 111-98 sa 2017 PBA Commissioner’s Cup.

Pinangunahan ni Charles Rhodes ang laro sa 26 na puntos na sinuportahan naman ni Gabby Espinas ng 15 markers, walong boards at apat na assist.

Samantala, umarangkada naman sa ika-limang puwesto ang Star Hotshots matapos pataubin ang Blackwater sa dikit na iskor na 96-90.


Umiskor ng 17 points para sa panalo ng Star si Mitchell at dinagdagan pa ito ni Lee ng 15 points habang tig-10 puntos naman ang ginawa nina Melton at Maliksi.

Bagamat naka-27 points si Canaleta sa panig ng Blackwater ay hindi pa rin ito umubra sa Star.

Sa ngayon ay hawak ng Hotshots ang 5-2 win-loss record.
Nation

Facebook Comments