Manila, Philippines – Naghahanda na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa matinding trapikong idudulot ng mga motorista at pasaherong pabalik at luluwas ng Kamaynilaan matapos gunitain ang Undas.
Ayon kay MMDA Supervising Operations Officer Bong Nebrija – mas mainam na makabalik agad sa Metro Manila bago mag-Lunes, November 5.
Hindi rin aniya sila magpapakampante dahil paghahandaan din nila ang mga worst case scenario.
Magpapakalat ang MMDA ng 2,200 tauhan lalo na sa mga chokepoints, gridlock-prone areas, maging sa mga bus terminal at loading and unloading areas sa EDSA.
Magpapatupad na rin ang MMDA ng ‘no absent, no day off, no leave’ policy sa kanilang mga tauhan.
Facebook Comments