UNDAS 2018 | PCG, naka-heightened alert na ngayong nalalapit na Undas

Naka-heightened alert na ang Philippine Coast Guard (PCG) bilang paghahanda sa Undas.

Ayon kay PCG spokesperson Capt. Armand Balilo, magpapakalat sila ng K9 unit at medical personnel sa mga pantalan para sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero.

Kasabay nito, nanawagan ang PCG sa publiko na maagang planuhin ang kanilang bakasyon sa Undas.


Sabi ni Balilo, maagang pumunta sa mga pantalan para hindi maabala ng mahigpit na seguridad na ipapatupad ng mga awtoridad.

Iwasan rin aniyang sumakay sa mga colorum na sasakyang pandagat dahil kulang ang mga ito sa kagamitang pangseguridad.

Facebook Comments