HIGPIT SEGURIDAD | PNP, wala pang namo-monitor na banta sa Metro Manila kasabay ng papalapit na Undas

Manila, Philippines – Walang namo-monitor na banta ang Philippine National Police (PNP) sa Metro Manila sa nalalapit na paggunita ng Undas.

Ayon kay NCRPO Director Guillero Eleazar, patuloy silang magbabantay para sa kaligtasan ng publiko.

Aniya, maliban sa mga sementeryo mahigpit rin nilang babantayan ang mga terminal ng bus, pantalan at paliparan na inaasahang dadagsain ng mga mag-sisi-uwian sa kani-kanilang lalawigan.


Kasabay nito, pinayuhan ng NCRPO ang publiko na maging alisto para hindi mabiktima ng mga masasamang loob.
Una nang sinabi ng NCRPO na magpapakalat sila ng higit 3,300 pulis ang ipapakalat sa Undas.

Facebook Comments