Hindi lang pagbisita sa puntod ng yumaong mahal sa buhay ang ginagawa ng ilang bumibisita sa Loyola Memorial Park sa Marikina City.
Sinasamantala rin kasi nila ito o ginagamit na pag-kakataon para magka-reunion o makasama rin ang mga malalayo nilang kamag-anak.
Sa pag-iikot ng DZXL naabutan namin ni Earl Saludar ang ilang mga pamilya na kumakain at nag-kukuwentuhan.
Kuwento nila, pagkatapos magdasal, mag-alay ng bulaklak at magsindi ng kandila, nagba bonding sila dahil ngayon lang ulit sila nagkita.
Anila napakalahaga sa kanila ng Undas dahil hindi lang ito basta pag alala sa yumaong mahal sa buhay kundi oportunidad din para magkaisa at magkita kita sila na mga magkakamag anak na matagal ng hindi nag-kikita.
Facebook Comments