UNDAS | Mga brgy tanods at security guards, tutulong na din sa QCPD

Makakatuwang na rin ng Quezon City Police District (QCPD) ang nasa 715 barangay tanods, 1,272 security guards at 290 volunteer NGOs sa pagbabantay sa seguridad sa mga sementeryo sa lungsod sa panahon ng paggunita sa Undas.

Ito ay maliban sa kabuuang 1,721 uniformed at nakasibilyang mga pulis na ipapakalat ng Quezon City Police District (QCPD) sa walong sementeryo at labimpitong columbarium sa Quezon City.

Ayon kay QCPD District Director Police Chief Superintendent Joselito Esquivel Jr., bukod pa ito sa mga miyembro ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Order and Safety (DPOS) na makakasama din sa pagmantine sa maayos na daloy ng trapiko.


Pinayuhan din ni Esquivel ang publiko na tiyaking naka-padlock ang kanilang bahay bago umalis at maige kung maglagay ng mga burglar alarms at CCTV na makakatulong laban sa anumang pagtatangka ng mga miyembro ng akyat-bahay gang.

Maaari din nilang isuplong o i-text sa pulisya ang anumang mapansing kahina-hinalang tao sa mga emergency o hotline numbers na: isumbong mo kay OCA: 09178475757 o i-send mo sa Team NCRPO: Globe 09158888181, Smart 09999018181 at QCPD DD’s tipline: 09178611870.

Facebook Comments