Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine Coast Guard ang pagpapaigting ng seguridad para sa nalalapit na undas.
Sa Miyerkules, October 31… sisimulan ng pcg ang “oplan biyaheng ayos: undas 2018” na layong matiyak ang seguridad ng mga pasaherong sa mga pantalan na babiyahe pauwi sa kani-kanilang probinsya.
Kaugnay nito, magkakaroon ng regular random checks kasama ang Coast Guard K9.
Maglalagay din ng passenger assistance center booth sa mga sea ports bilang agapay sa mga pasahero.
Pangungunahan ni PCG Commandant Admiral Elson Hermogino ang pagsasagawa ng inspeksyon sa mga pasahero at sa kanilang mga bagahe.
Paalala naman ng PCG sa mga pasahero, maagang dumating sa mga pantalan tatlong oras bago ang departure time at iwasang magdala ng mga delikadong gamit gaya ng kutsilyo, paputok, baril at iba pang flammable at poisonous substance.