“Undeclared servers”, pinabulaanan ng Comelec

Nagpaliwanag si Commission on Elections (Comelec) Spokesman James Jimenez sa pinalulutang ng ilang grupo na “meet-me-room” na sinasabing undeclared servers na humaharang sa data mula sa vote counting machines (VCM) papuntang Comelec servers.

Sinabi ni Jimenez na ang naturang server ay isang uri ng transmission router o gateway.

Ito aniya ang nagma-manage sa data mula sa field o sa VCM papuntang transparency server.


Hindi rin aniya ito hiwalay na server gaya ng sinasabi ng ilang grupo at ito ay bahagi ng local source code review.

Una rito, hiniling ni election lawyer George Garcia na ipaliwanag ng Comelec ang paggamit ng “meet-me-room” na posibleng dahilan kaya napagdududahan ang transparency ng halalan.

Facebook Comments