General Santos City—Inaresto ng tropa ng Sarangani police office, sa pakipagtulungan ng Bureau of Immigration Sarangani ang isang Mohammad Kamal Siddique, 51 years old, undocumented Bangladesh National sa Barangay, Lumatil, Maasim Sarangani Province.
Ayon sa pulisya, dumating sa bansa ang nasabaing Bangladish National noong February, 2015 at tumira sa bahay ng kanyang live-in partner na si Jamela Sayed sa Barangay Lumatil, Maasim, Sarangani Province sa loob ng apat na taon.
Nang ito’y pinuntahan ng pulisya sa kanilang bahay, bigo si Siddique na magpakita ng mga legal documents na nagpapatunay na legal itong mananatili sa bansa. Ang iprenesenta lang nito ay ang kanyang Bangladesh passport na may petsang February 7, 2019.
Sa ngayon nananatili pa sa Maasim Municipal Police Station si Siddique at nakatakda naman itong iturn-over sa tanggapan ng Bureau of Immigration.