UNFORGETTABLE | Iran, maghihiganti sa mga nasa likod ng military parade shooting attack

Iran – ‘Deadly and unforgettable’

Ito ang inilarawang paghihiganti ng elite revolutionary guards ng Iran matapos ang nangyaring shooting attack sa kanilang military parade na ikinasawi ng 25 tao, kabilang ang 12 nilang kasamahan.

Inakusahan ng Iranian officials, kabilang na si President Hassan Rouhani ang Gulf Arab States na kaalyado ng Estados Unidos na nasa likod ng pag-atake.


Itinanggi naman ng U.S. ang mga akusasyon ng Iran.

Una nang inako ng Iranian Ethnic Arab opposition movement na ‘Ahvaz National Resistance’ at ng Islamic state ang pag-atake.

Facebook Comments